ellise dominic's blog
"Will you marry me?"
Nagpalakpakan ang mga tao sa office ni Maia. Maaga akong nag-out sa trabaho para puntahan siya sa office nila. Maglilimang taon na kami next month, tamang panahon na para lumagay na kami sa tahimik. Alam kong hindi na siya nagulat sa proposal ko. Kilala ko siya, sa tagal ba naman naming magkasama. Hindi siya yung tipong madaling masurprise. Alam kong alam na nya na yayayain ko na siya ng kasal. Kaya naman nagkunwari na lang siyang nagulat, siguro para hindi naman ako mapahiya sa officemates nya.
Si Maia na ang babae para sa akin. Mula nang maging kami almost five years ago, wala na akong ibang hinanap, hindi na rin ako tumingin sa iba. Maprinsipyo kasi akong tao, ayoko nang magulong buhay. Gusto ko lahat maayos, ayoko ng away, ayoko ng complications. Magkaklase kami noong college. Two months before graduation nang ligawan ko siya at noong araw mismo ng graduation namin nya ako sinagot.
Bakit ko nagustuhan si Maia? Tahimik sa room, mabait sa lahat ng classmates namin, matalino, maganda, at madaling patawanin. Hindi siya yung babaeng maarte. Game siya sa lahat pero konserbatibo pagdating sa mga values nya bilang babae. Hindi siya yung tipong nakikipaglaro pagdating sa relasyon. Parehas kami. Ayaw namin ng laro-laro lang, gusto namin yung seryoso at may pupuntahan ang relasyon namin.
please pakibasa po nang buo ang story na ito...
hindi ko maalala kung kelan nag-umpisa ang paghahanap ko sa pinakasimpleng krus. gusto ko sanang magkaroon ng kwintas na krus bilang tanda ng aking pagiging kristyano at bilang paalala na rin na kailangan kong sumunod sa lahat ng utos at gumawa ng tama sa lahat ng pagkakataon. ang kwintas na krus sa leeg ko ang magsisilbing tagapagpaalala sa akin at sa tuwing mag-aalinlangan ako kung tama ba o mali ang gagawin ko hahawakan ko iyon at kakapain ang krus ng aking mga daliri upang maobliga akong gawin ang tama kahit na mahirap at kahit na ayokong magpakabait. ang kwintas na krus ang aking magiging konsensiya.
sa bawat simbahang napupuntahan ko dumadaan ako sa tindahan ng mga rosaryo, mga imahe, novena booklets at kung anu-ano pang may kinalaman sa simbahan. maraming kwintas na krus pero wala akong makitang simple lang. gusto ko nang simple dahil gusto kong maalala ang kasimplehan ng buhay ni Hesus. pero bigo akong makakita ng pinakasimpleng krus.
pansin ko lang sa sarili ko kapag emotional ako hindi ko napipigil ang bibig ko. hindi ko magawang magpreno. siguro dala ng bugso ng damdamin lalo na kung galit ako sa tao. normal siguro yun sa ating lahat dahil tao lang tayo. ang nakakainis lang pagtapos kong maglitanya eh nagiguilty ako. parang ang sama-sama ko. parang wala naman akong karapatang magsalita ng kung anu-ano tungkol sa taong hindi ko naman talaga alam kung ano ang pinagdadaanan o kung ano ba talaga ang issues sa buhay. given na na kaya ako nagalit dahil mali siya, fine, mali na siya kung mali pero ang magsalita at magkumento bagaman sa aming pamilya lang at hindi na lumalabas pa sa ibang tao, it seemed really unfair kung minsan at talagang nakakaguilty. madalas nga may naiiwang bad taste sa bibig ko kaya alam ko na ooops! parang overkill na ata ang mga pinagsasabi ko.
madalas napag-uusapan lalo na sa aming mga babae ang topic ng pag-aasawa. tampulan ng tukso ang mga nasa late 20s na wala pang asawa, worst ang walang boyfriend. napansin ko lang na masyadong big deal sa mga tao ang pag-aasawa lalo na sa mga babae. parang magugunaw na ang mundo kapag sumampa na sila ng trenta na wala pa silang asawa kaya ang iba bente-singko pa lang kinakarir na ang pagboboyfriend para saktong bente-sais o bente-syete pwede na silang gumarahe. tamang-tama pag edad nila ng trenta dalawa na anak nila o tatlo kapag masipag siyang manganak. oo nga naman kapag maaga kang nag-asawa maaga ka ding makakapagpagraduate ng anak.
kung sa bagay sino bang gustong maging single for life, wala naman siguro,at some point lahat siguro ng tao naisipang mag-asawa o kung hindi naman niya talagang pinangarap mag-asawa malamang kahit minsan inimagine niyang magkaroon ng asawa at mga cute na anak, kahit imagination lang. bottom line is walang gustong mag-isa forever. kahit nga ang pari dito sa amin umamin na na minsan nalulungkot siya dahil pakiramdam niya nag-iisa lang siya. kung sa bagay sino bang gustong magising at matulog at magising ulit na walang katabi sa kama? wala naman siguro. lalo na kung 35 o 40 o 45 ka na, matanda na pero hindi pa lola o lolo para ibaling na lang ang lahat ng oras sa pakikinig ng balita at komentuhan sa transistor.
"Bes, hindi ko kaya," paputol-putol na pagmamakaawa ni angelo, tuloy-tuloy ang tulo ng luha. "Di ba walang iwanan." Nakaluhod siya sa gilid ng kama ni Kathy, hawak ng dalawang kamay niya ang palad ng matalik na kaibigan. Yuko ang ulo na tila nahihiyang makita ang pag-iyak nya.
"Ano ka ba bestfriend? Tumahan ka na. Sandali lang naman akong mawawala eh tapos magkikita na tayo ulit," mahina ang boses ni Kathy, halatang pagod na pagod na.
"Ayoko! Ayoko!" humigpit ang hawak ni Angelo sa kaibigan.
"Napag-usapan na natin ito di ba? Wala naman tayong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na lang. Aalis na ako ganyan ka pa? Wag mo naman akong pahirapan," nangingilid na ang luha ng dalaga.
"Bakit kasi ikaw pa? Madami namang iba diyan eh! Unfair!"
Sandaling tumahimik sa kwarto. Tanging ang hikbi ni Angelo ang maririnig. Sa labas nag-aabang ang buong pamilya at mga kaibigan ni Kathy. Lahat sila nagdadalamhati.
kanina lang lumabas ang mama ko at pumunta sa gilid ng bahay namin para silipin kung kita ba kami sa bintana pag patay na ang mga ilaw sa loob. dahil sa nagtu-toothbrush ako at gusto kong makiusyoso sumama ako sa kanya. ang dilim pero maliwanag pa ang mga bahay dahil sa mga bukas na ilaw. tumingala ako sa langit at nakita ko ang daming stars. napangiti ako at biglang naisip na paanong hindi naniniwala ang ibang tao sa god? tingnan lang nila ang mga stars sa langit sigurado makukumbinsi na sila. kahit magtumbling ang tao ng isang milyong beses hindi siya makakagawa ng kahit na anong kasing ganda ng mga stars. si god lang ang makakagawa nun.
ikaw kelan mo huling napansin ang mga stars? try mo mag-time-out muna kahit three minutes lang sa hectic mong buhay at tingala ka sa langit. pansinin mo naman ang mga bituin, lagi silang nasa langit pero wala namang pumapansin sa kanila. di ba ang lungkot nun?
kapag burn out ka na sa buhay at work tigil ka muna. pansinin mo naman ang magagandang gawa ni god. gaya ng mga stars sa langit sige ka sa tag-ulan hindi mo na naman sila makikita, magtatago na sila ulit sa mga ulap... parang nagtatampo lang di ba? baka kasi one day wala na sila or wala ka na para i-appreciate ang beauty nila... i hope you get my message...
hindi ako inlove pero masaya ako. valentine's day pero hindi ako naiinis o naiinggit sa mga may date sa sunday. ang weird masaya ako kahit wala namang masyadong nangyayari sa buhay ko. siguro adik lang talaga ako. ewan baka dahil laging may saging sa bahay. sabi kasi sa studies nagpapasaya daw ang pagkain ng saging, nagpoproduce daw ito ng chemical na nagpapasaya. kaya siguro walang unggoy na malungkot bukod pa sa sabi nila na wala daw unggoy na may tigyawat. ewan ko anong konek ng pimples sa saging at unggoy pero nakakatawa.
Noon parang ordinaryong araw lang ang linggo. Sunday araw ng simba.
August last year una ko siyang nakita sa simbahan. Nakasutana, katabi ni Father sa altar. Isa siyang seminarista na nagpapracticum sa parokya namin. Bata pa, siguro sixteen o seventeen pa lang. Noong una nakakatuwa lang siyang tingnan sa harapan dahil sanay na akong si Father lang ang bida ngayon may brother na na nag-aassist sa kanya, taga-ayos ng kopita at ostsa, taga-pausok ng insenso kay Father, taga-hawi ng manggas ng sutana ni Father kapag kailangan niyang magpausok sa mga imahe at krus, taga-abot ng mga prutas, bulaklak at basket sa offering, lahat ng kailangan ng assistance, siya ang gumagawa para kay Father. Nakakaaliw siyang panoorin, sa isip ko may nagpapari pa pala sa panahong ito, hindi ba lahat ng lalaki gustong magbar, uminom ng red horse, manligaw, pumorma, at eventually, magpamilya. Pero heto ang isang binatang gustong magpari at sa tingin ko talagang kinakarir niya ang pagiging brother niya.
ten o'clock eksakto, out na kami ni benjo. unahan sa pag swipe para makalabas agad ng opisina. tradisyon na namin ang mag unahan sa paglakad pauwi. parang may humahabol lang kaya nagugulat ang mga kasamahan namin na nauunahan namin sa daan. "Oh, yan na ang tropang marathon," kantiyaw nila sa amin. kahit nagmamadali kami nagagawa pa rin naming mag tsismisan at magtawanan, "Ang hirap hindi ako kumota," ang palagi naming daing. pero kahit anong stress sa opisina pagdating ng uwian nawawala lahat dahil isang araw na naman ang natapos namin, isang araw na namang sweldo, isang araw na namang pang gimick para kay benjo.
Sometimes we tend to think that what matters to us matters to others as well. What we always forget is that sometimes what we treasure in our hearts doesn't mean anything to other people. What's really sad about it is the people we thought would understand don't really care, worst, they don't even give a damn, at all. This is a story about this sad reality...


