User login

Life Stories

junryl

There were a loving couple and the boy was the apple of their eyes. When the boy was around two years old, one morning the husband saw a medicine bottle open. He was late for work so he asked the wife to cap the bottle and keep it in the cupboard. The mother, preoccupied in the kitchen, totally...

0
3 weeks 1 day ago

Poll

Agree ka ba sa Automated Votation?:

 gilbertmiralo
Joined: 01/07/2010
Posts: 4
Latest Blog: Ms. Thursday 

 

Who's online

There are currently 0 users and 2 guests online.

Free Link Exchange | Add Link - Suggest Link - Submit URL Directory | Linkok - Free Link Exchange Submit | The Best Links | Link Directory | Add your link for free | LinkDirectory | SuckFul.net - Free Website Directory - Link Submit - Web Submission - Websites that Don't Suck!

 

Noon parang ordinaryong araw lang ang linggo.  Sunday araw ng simba. 

August last year una ko siyang nakita sa simbahan.  Nakasutana, katabi ni Father sa altar.  Isa siyang seminarista na nagpapracticum sa parokya namin.  Bata pa, siguro sixteen o seventeen pa lang.  Noong una nakakatuwa lang siyang tingnan sa harapan dahil sanay na akong si Father lang ang bida ngayon may brother na na nag-aassist sa kanya, taga-ayos ng kopita at ostsa, taga-pausok ng insenso kay Father, taga-hawi ng manggas ng sutana ni Father kapag kailangan niyang magpausok sa mga imahe at krus, taga-abot ng mga prutas, bulaklak at basket sa offering, lahat ng kailangan ng assistance, siya ang gumagawa para kay Father.  Nakakaaliw siyang panoorin, sa isip ko may nagpapari pa pala sa panahong ito, hindi ba lahat ng lalaki gustong magbar, uminom ng red horse, manligaw, pumorma, at eventually, magpamilya.  Pero heto ang isang binatang gustong magpari at sa tingin ko talagang kinakarir niya ang pagiging brother niya. 

Pagdaan ng panahon ang pagkaaliw ko ay napalitan ng paghanga, hopia, hindi ito crush as in crush, hinahangaan ko ang pangarap niyang maging iba, pangarap na maging tagapagsilbi sa Diyos, habang buhay.  Gusto niyang magpari, isang  pari na bawal mag girlfriend, although rumors say may mga paring pasaway na may girlfriend o asawa (wala akong proof kaya nga rumor eh), isang pari na bawal magkapamilya, for life silang single, walang anak o asawa, ang lungkot nun di ba? Isang pari na palipat-lipat ng assignments at kung saan-saan tinatapon para ipahayag ang salita ng Diyos, isang pari na ideally, mahirap at bawal yumaman (ideally).  

Ewan ko pero sa tuwing makikita ko ang seminaristang yun nangingiti ako.  Iba kasi ang takbo ng isip niya sa pangkaraniwang binata na kasing edad niya biruin mo magpapari siya!  Nakakaaliw, nakakatuwa at nang lumaon, nakakabilib.  

Hindi ko alam kung kelan biglang nagbago ang araw ng linggo sa akin, hindi na ito basta araw ng simba, araw na ito na makikita ko si "soon to be Father".  Bukod sa magaling magsermon si Father, may bonus pa siyang sidekick na nakakapagbigay ng kakaibang inspirasyon at tuwa. 

Tradisyon na para sa akin ang maupo sa harap kaya normal lang na magkatinginan kami.  Ewan ko na-co-conscious ako pag nagtatama ang paningin namin, siguro naprapraning lang ako kaya ko naiisip na napapahiya siya tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.   Hep!  Bago mo isipin na ilusyunada ako ituloy mo pa ang pagbabasa.  

Sa ilang buwan niyang pag-stay sa parokya namin, ilang beses din nagkukrus ang mga landas namin pero dahil sa idol ko si Maria Clara, never ako gumawa ng move para makilala siya; at dahil siguro takot siyang makidlatan at matsismis, never din siyang gumawa ng move para makilala ako.  In short puro tinginan at mahiyaing ngitian lang ang drama namin, bawal mag-usap o makipagkamay man lang.  No, no, no, bawal, bawal...

Kahit na OA sabihin, dahil  sa kanya kaya nalagyan ng kulay ang araw ng linggo.  Excited na akong magsimba dahil magkikita ulit kami.  Pinagdadasal ko na sana pahintulutan ng Diyos na maging magbestfriends kami.  Gustong-gusto ko talaga siyang maging best friend, noon lang ako nagdasal na sana maging best friend ko ang isang tao.  Basta iba ang hatak niya sa akin.  There's something about him na parang magnet, parang feeling ko siya ang magiging spiritual adviser ko, taga-sermon sa mga kalokohan ko, taga-kumpisal ng mga kasalanan ko.  Pero paano naman mangyayari iyon eh, wala namang gumagawa ng unang hakbang, ang makipagkilala.

Dumaan ang mga linggo na puno ng saya at frustrations, hindi pa rin kami nagkakakilala.  Ako siguro ang dapat sisihin dahil sa tuwing matatapos ang misa nakikita ko siya sa may pintuan, nakatayo lang doon at nakatingin sa akin na dumaan.  Titingnan ko lang siya, hiyang-hiya, ngingiti ng konti at yuyuko na.  Hindi ko kaya.  Hindi talaga.  Hindi ko kayang lapitan at kausapin siya kahit hi, hello, wala, nanghihina ako kapag malapit siya.

Akala ko ganon na lang kami palagi.  Hindi ko alam na may katapusan din pala ang lahat ng mga kalokohan ko.  Kanina nagsimba ako, ang pinakamalungkot na linggo mula nang una ko siyang makita.  Kanina ang last sunday niya sa parokya namin, aalis na siya.  Maluha-luha ako buong misa, hindi ko siya tinitingnan, hindi rin siya tumitingin.  Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na iyon ang gusto ni God, na umalis na siya sa simbahan namin at wala akong magagawa dahil technically, alagad siya ng Diyos.  Aalis siya para ipagpatuloy ang bokasyon niya sa ibang parokya.  

Nang matapos ang misa, nagmamadali siyang naglakad kasunod ni Father palabas ng simbahan.  Mabagal ang mga paa ko, ayokong lumabas, ayokong matapos ang gabing iyon.  Nagulat na lang ako nang marating ko ang pinto ng simbahan nakita ko siyang nakatayo at nakangiti.  Nakangiti, nakatingin sa akin pero may iba siyang kinakamayan.  Bahagya akong ngumiti sa kanya, tumigil ako sandali nag-iisip kung lalapitan ko ba siya para kamayan.  Nagtatalo ang isip at puso ko, maling lapitan siya pero mas mali kung aalis siya na hindi ko man lang siya nakamayan. Nanalo ang isip ko.  Dinaanan ko siya na punong-puno ng lungkot ang mga mata.  Nang nasa hagdan na ako nilingon ko siya, nakatingin pa din siya sa akin, nakangiti.  Gusto kong bumalik, gusto ko siyang balikan.  Pero ayaw ng isip ko.  Wala akong nagawa kung hindi ang lumakad na papalayo.  Pinaglagpas ko ang last chance ko.

Sa daan bigla kong naisip na iyon na ang huling sunday na makakasama namin siya sa misa.  Aalis na siya.  Hindi ko na siya makikita. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako o hindi.  Sabi kasi ng isip ko mali yan, pero binubulong ng puso ko magpaalam ka lang.  

Malamig ang hangin, madaming bituin sa langit, magulo at maingay sa kalsada pero parang ang tahimik, ang lungkot.  Nagbuntong-hininga ako, pinahid ang luha sa mata at bumulong na lang sa hangin, "BYE".

 

 

Your rating: None Average: 5 (1 vote)

new store replica handbags openings, including handbags a fourth fake handbags shop in gucci handbags Japan.We gucci wallets are always (growing) in chanel handbags double-digits, in chanel wallets particular we louis vuitton handbags confirm a louis vuitton wallets positive trend

Holding.Brozzetti louis vuitton said the replica handbags group's handbags retail sales gucci handbags were growing gucci wallets double-digit, as chanel handbags in the chanel wallets first quarter louis vuitton handbags of the louis vuitton wallets year

 

Recent activity