User login

Life Stories

junryl

There were a loving couple and the boy was the apple of their eyes. When the boy was around two years old, one morning the husband saw a medicine bottle open. He was late for work so he asked the wife to cap the bottle and keep it in the cupboard. The mother, preoccupied in the kitchen, totally...

0
3 weeks 1 day ago

Poll

Agree ka ba sa Automated Votation?:

 gilbertmiralo
Joined: 01/07/2010
Posts: 4
Latest Blog: Ms. Thursday 

 

Who's online

There are currently 0 users and 2 guests online.

Free Link Exchange | Add Link - Suggest Link - Submit URL Directory | Linkok - Free Link Exchange Submit | The Best Links | Link Directory | Add your link for free | LinkDirectory | SuckFul.net - Free Website Directory - Link Submit - Web Submission - Websites that Don't Suck!

pansin ko lang sa sarili ko kapag emotional ako hindi ko napipigil ang bibig ko.  hindi ko magawang magpreno.  siguro dala ng bugso ng damdamin lalo na kung galit ako sa tao.  normal siguro yun sa ating lahat dahil tao lang tayo.  ang nakakainis lang pagtapos kong maglitanya eh nagiguilty ako.  parang ang sama-sama ko.  parang wala naman akong karapatang magsalita ng kung anu-ano tungkol sa taong hindi ko naman talaga alam kung ano ang pinagdadaanan o kung ano ba talaga ang issues sa buhay.  given na na kaya ako nagalit dahil mali siya, fine, mali na siya kung mali pero ang magsalita at magkumento bagaman sa aming pamilya lang at hindi na lumalabas pa sa ibang tao, it seemed really unfair kung minsan at talagang nakakaguilty.  madalas nga may naiiwang bad taste sa bibig ko kaya alam ko na ooops! parang overkill na ata ang mga pinagsasabi ko. 

sabi nga nila wag kang judgmental.  at meron pa ang walang kamatayang kasabihan na kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.  naku naman ang hirap naman ng requirement na iyan para makatuntong man lang sa reception hall ng langit.  isama mo pa diyan ang golden rule na gasgas na gasgas na pero mabibilang na lang naman sa daliri ang talagang nagpapractice.  meron pa yung kapag sinampal ka sa kaliwang pisngi ibigay mo pa ang kanan.  sinampal ka na nga di ka pa rin ba lalaban?  ano siya sinuswerte?  kasi ba naman let's face it wala naman talaga tayong pakialam sa iba, as in pakialam na gaya ng concern ni efren penaflorida sa mga batang tinuturuan niya.  o ng mga mangilan-ngilan na lang na tunay na mga bayaning may natitira pang pag-asa sa tao na pwede pa silang magbago o bumait, wish ko lang talaga.  mahirap ang maging mabait as in mabait to the point na kahit naaabuso ka na dedma lang smile pa rin.  mahirap yun sobra.  kung may makilala ako ngayon na taong ganun kabait aba promise ipagpapatayo ko siya ng rebulto katabi ni rizal sa luneta.  peksman! 

ang hirap kasi sa atin magpapakabait ka nga aabusuhin ka naman ng iba syempre magagalit ka at madalas ikaw pa ang lumalabas na masama ang ugali.  hindi ko talaga maintindihan ang mga tao kapag tinulungan mo kilalang kilala ka pero pag daan ng panahon nakakalimot na sa kung ano ang ginawa mo para sa kanya at sisiraan ka pa sa ibang tao.  nakakaloka sila di ba? kaya masisisi mo ba ako kung makapagsalita din ako ng masama?  di ba hindi? 

ngayong panahon ng kwaresma gusto kong baguhin ang masamang ugali ko na ito.  ang pigilan ang sarili ko na magsalita o magkomento ng masama sa kapwa ko particularly sa mga nakakainis na tao.  pipilitin kong isabuhay ang kasabihan na kung wala kang masabing maganda sa kapwa mo eh manahimik ka na lang.  hindi ko pa man nasisimulan eh nahihirapan na ako pero para sa diwa ng mahal na araw at para sa sakripisyo ni Hesus sa atin noon, gagawin ko ang panatang ito.  sayang naman ang hirap niya sa pagpapapako sa krus tapos ako ititikom ko lang ang bibig ko at pipigilan ang sarili ko na magsalita ng laban sa kahit na kanino hindi ko pa ba naman magagawa?  aba kung sabihin sa akin ng Diyos sige magpalit kaya tayo?  naku po!  kakayanin kaya ng powers ko?  malamang hindi. 

sana ngayong panahon ng kwaresma lahat tayo ay may isang masamang ugali na isasakripisyong baguhin o pigilin man lang para kay Hesus.  tayo naman ang gumawa ng isang bagay na napakahirap bilang pagtanaw man lang ng utang na loob sa pagpapakamatay niya para sa atin.  hindi naman siguro kalabisan na tayo naman ang gumawa ng mabuti para sa kanya dahil sa dami ba naman ng biyayang binibigay niya sa atin magrereklamo pa ba naman tayo kung ikaw naman ang gagawa ng sakripisyo?  at sana kahit ngayon lang pansinin mo naman ang sinulat ko at wag mong balewalain ang mensahe ko... salamat po...

Your rating: None Average: 5 (1 vote)

new store replica handbags openings, including handbags a fourth fake handbags shop in gucci handbags Japan.We gucci wallets are always (growing) in chanel handbags double-digits, in chanel wallets particular we louis vuitton handbags confirm a louis vuitton wallets positive trend

Holding.Brozzetti louis vuitton said the replica handbags group's handbags retail sales gucci handbags were growing gucci wallets double-digit, as chanel handbags in the chanel wallets first quarter louis vuitton handbags of the louis vuitton wallets year

Abigail Abanilla's picture

agree ako jan.. let's stop the war by spreading love. mahirap nga ang unawain ang mga tao, pero pag sinampal ka at ipinasampal mo pa rin ung kabilang pisngi, ano kayang reaction ng taong nanampal sau? sila ang magmumukhang nakakatawa. syempre ma shashock talaga sila haha,

alam mo ilang araw na akong nagpapakabait at super hirap ahahaha!!!

 

Recent activity